Muling naglabas ng Notice to Airmen (NOTAM) ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para sa limitasyon ng mga flight na malapit sa Taal Volcano, na may vertical limit 10,000 feet mula sa ibabaw ng bulkan.
Ang pinakabagong NOTAM ay magkakabisa mula kaninang 8:39A.M, hanggang bukas Hunyo 11, 2024, 9:00 A.M.
Ayon sa CAAP ang Bulkang Taal ay nasa Alert Level 1 (Low-level Unrest).
Pinapayuhan ang mga flight operator na iwasan ang paglipad malapit sa bulkan dahil sa posibilidad ng biglaang at mapanganib na steam-driven o phreatic eruptions, na maaaring magdulot ng panganib sa sasakyang panghimpapawid.