dzme1530.ph

CAAP bubuo ng Masterplan, para sa pagpapabuti sa kaligtasan ng aviation sector sa bansa

Nakatakdang bumuo ang Civil Aviation Authority of the Philippines ng Civil Aviation Masterplan na naglalayong mapabuti ang kaligtasan, kahusayan, at sustainability ng aviation sa bansa.

Ayon kay CAAP spokesperson Eric Apolonio magsasagawa ang CAAP ng review sa kasalukuyang kalagayan ng civil aviation sa Pilipinas, kabilang ang imprastraktura, operasyon, regulatory framework, National and Regional Policy at international standard.

Kasunod ng assessment na ito, isang benchmarking analysis ang isasagawa upang ikumpara ito sa iba pang mga bansang ASEAN gayundin sa mga mahusay na kasanayan na naobserbahan sa European Union.

Ang Pilipinas ay tatanggap ng tulong mula sa European Union Aviation Safety Agency (EASA), na kinabibilangan ng dalawang eksperto, kasunod ng bilateral meeting na ginanap sa 58th Conference of Director Generals of Civil Aviation sa Asia sa Bangladesh noong Oktubre 2023.

About The Author