dzme1530.ph

CAAP at DOTr, nagsagawa ng inspeksyon sa expansion project ng Davao International Airport

Loading

Nagsagawa ng inspeksyon ang mga opisyal ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kasama si DOTr Sec. Vince Dizon sa isinasagawang expansion ng passenger terminal building ng Davao International Airport.

Ayon sa CAAP, ang ₱650-M development project ay layuning palawakin ang floor area ng terminal mula 17,500 square meters patungong 25,910 square meters, katumbas ng 48% pagtaas, na inaasahang matatapos sa December 2026.

Sa pamamagitan ng proyektong ito, inaasahang madaragdagan ng 700 seats ang passenger seating capacity ng paliparan, mula sa kasalukuyang 1,500 seats.

Bukod sa pagpapalawak, maglalaan din ng karagdagang espasyo para sa mga concessionaires, na inaasahang makalilikha ng tinatayang 4,000 trabaho para sa lungsod ng Davao.

About The Author