dzme1530.ph

CA seat ni Rep. Briones binawi matapos mahuling nanonood ng e-sabong habang nasa sesyon ng Kamara

Loading

Napormada ang tsansa na maging miyembro ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) si AGAP Party-list Rep. Nicanor Briones.

Ito ang naging kabayaran sa kumalat na video at larawan ni Briones na nanonood ng e-sabong sa kasagsagan ng botohan sa speakership noong Lunes sa Kamara.

Base sa impormasyon, si Briones ang itatalagang kinatawan ng minority bloc sa 12-member contingent ng CA, subalit dahil sa viral video ay nagpasya ang grupo na palitan ito ni LPGMA Party-list Rep. Allan Ty.

Posible rin itong sumalang sa imbestigasyon ng Ethics Committee na pinamumunuan ni 4Ps Party-list Rep. JC Abalos na kasamahan din nito sa minorya.

About The Author