Ipinagmalaki ng Bureau of Customs (BOC), na mahigit P13-B ang sobra sa kanilang target collection sa nakalipas na anim na buwan hanggang Hunyo.
Batay sa June report ng Bureau of Treasury, ang collection ng ahensiya ay umabot sa kabuuang P434.169-B mula sa Enero hanggang Hunyo ngayong taon, mas mataas ng P13.505-B o katumbas ng 3.21% sa P420.66-B na revenue target.
Nangangahulugan ito na umangat ng P37.434-B ang kolekisyon ng bureau kumpara noong isang taon.
Ayon sa BOC, ang pinaigting na kampanya laban sa smuggling ang nakikitang pangunahing dahilan upang makamit ng bureau ang target nito. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News