dzme1530.ph

Buong pwersa ng gobyerno, pinakikilos ng Pangulo laban sa smuggling at hoarding ng bigas

Pinakikilos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang buong pwersa ng pamahalaan laban sa smuggling at hoarding ng bigas.

Sa distribusyon ng 1,000 sako ng bigas sa Malate, Maynila, inihayag ng Pangulo na kung magpapatuloy ang smuggling ay hindi makokontrol at hindi malalaman kung ang tunay na antas ng suplay ng bigas sa bansa.

Bukod dito, patuloy din umanong tataas ang presyo ng bigas dahil sa hoarding.

Kaugnay dito, inatasan ng Pangulo ang lahat ng opisyal, otoridad, at mga ahensya na higpitan ang pagpapatupad ng mga polisiya at batas hinggil sa isyu ng bigas, upang matigil na ang mga iligal na operasyon.

Iginiit ni Marcos na sa ilalim ng Bagong Pilipinas, bawal ang smuggler, bawal ang hoarder, at bawal din ang mga mapang-abuso at mapagsamantala. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author