![]()
Pormal ng in-adopt ng partidong Lakas-CMD ang buong legislative agenda ng administrasyon ngayon 20th Congress.
Ang unanimous approval ay nangyari matapos umapila si Lakas-CMD president, former speaker at Leyte 1st Dist Rep. Ferdinand Martin Romualdez na magkaisa para suportahan ang mga prayoridad ni Pangulong Marcos Jr.
Sa ilalim umano ng pamumuno ni Speaker Faustino Bojie Dy III, napapakilos nito ang Kapulungan para aktuhan ang mga hinihinging batas ng Pangulo partikular ang LEDAC endorsed bills.
Ayon kay Romualdez, nakahanda ang Lakas-CMD na makatrabaho ang iba pang partido para makasiguro na maayos na gugulong at maaprubahan ang mga priority bills.
Ang estratehiya ng ito ay nakatitiyak na dito sa Kamara, may 150 legislators na tatayong principal authors ang bawat panukala.
Binigyang halaga rin ni Romualdez ang papel ni Majority Floor Leader Sandro Marcos, sa maayos nitong pag-manage ng legislative calendar at pag-consolidate ng suporta ng majority para sa isang mahalagang panukala.
