dzme1530.ph

BUONG FOOD AT GOODS SUPPLY CHAIN, PINASASAKOP SA PAGBIBIGAY NG AYUDA

Loading

Umapela sa national government si Cavite 1st District Rep. Jolo Revilla na sakupin ng ibibigay na ayuda ang buong food at goods supply chain.

 

Ayon sa chairman ng House Committee on Labor and Employment, lubhang mahalaga ang fuel subsidy na ipinagkakaloob sa mga tsuper ng PUV, subalit hindi lamang sila ang apektado ng fuel increases.

 

Pinangangambahan nito na humataw ang inflation at economic disruption na nililikha ngayon pa lamang ng magkakasunod na pagtaas sa presyo ng petrolyo.

 

Sa pamamagitan ng “comprehensive approach,” mababawasan ang epekto nito kung isasama rin sa fuel subsidy program ang mga truckers, inter-island cargo operators, delivery at logistical providers.

 

Aniya, huwag lang PUV drivers dahil ang buong supply chain mula sa produksyon, transportasyon, hanggang sa distribusyon ay umaaray din sa sobrang taas ng petrolyo.

About The Author