dzme1530.ph

Bumuo ng campaign video ng DOT, tinawag na unprofessional

Tinawag na unprofessional ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang gumawa ng bagong campaign video ng Department of Tourism (DOT).

Sinabi ni Pimentel na nakakadismaya na may kasamang stock footage o video na hindi original at hindi kuha sa Pilipinas ang inilabas na bagong tourism campaign ng DOT na “Love the Philippines.”

Ayon kay Pimentel, “Love The Philippines” ang idea pero ang ibinida sa promotional video ng DOT ay mga atraksyon sa Indonesia, Thailand, Switzerland at United Arab Emirates.

Kinantiyawan pa ni Pimentel ang DOT na mukhang gusto ng administrasyon na maging kaibigan ng Pilipinas ang lahat ng bansa kaya isinama sa promotional video ang kuha sa ibang bansa.

Una nang nag-sorry ang DDB Philippines, ang ad agency na gumawa ng kontrobersyal na promotional video. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author