dzme1530.ph

Building owners, hinimok na regular na magsagawa ng structural integrity assessment

Loading

Hinimok ni Sen. Christopher “Bong” Go ang mga may-ari ng mga gusali sa buong bansa na regular na magsagawa ng structural integrity assessment bilang bahagi ng paghahanda sa sinasabing The Big One.

Una nang nagbabala si Phivolcs Director Dr. Teresito Bacolcol na ang “The Big One” o ang posibilidad ng 7.2 magnitude na lakas ng lindol at posibleng tatama sa Metro Manila ay maaaring magresulta ng 50,000 deaths at matinding pinsala sa mga gusali.

Dahil dito, iginiit ni  Go ang kahalagahan na ma-assess ang katatagan ng mga pampubliko at mga pribadong gusali upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Nanawagan din ang senador sa building owners na sumunod sa structural evaluations at magpatupad ng mga kinakailangang hakbang sakaling mangyari ang hindi inaasahang malakas na lindol.

Binigyang-diin ng mambabatas na kailangan ng mas maayos na koordinasyon at mas mabilis na pagtugon sa panahon ng sakuna kasabay ng paggiit na huwag nang hintayin na madagdagan pa ang mga trahedya bago kumilos.

About The Author