Nagbanta si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, na hindi nila aaprubahan ang budget ng Office of Transport Security (OTS) kung hindi magbibitiw sa pwesto ang hepe nito na si Mao Aplasca.
Para kay Romualdez, dapat nang sibakin si Aplasca dahil bigo itong mapatigil ang sunud-sunod na katiwalian na kinasangkutan ng ilang security personnel sa NAIA.
Bukas nakatakdang isalang sa plenary debate ang budget ng Department of Transportation subalit nagbanta si Romualdez na siya mismo ang haharang sa budget ng OTS kung hindi magbibitiw o sinisibak sa pwesto si Aplasca.
Aniya, for command responsibility dapat isinusumite na ni Aplasca ang kanyang courtesy resignation, upang mabigyan daan ang malawakang balasahan sa airport security office.
Kasabay nito, sinabihan ni Romualdez si Transportation Secretary Jaime Bautista na bantayang mabuti ang kanyang bakuran.
Kamakailan lamang nag viral ang isang babaeng security personnel nang isubo at lunukin nito ang hinihinalang $300 bills na umano’y ninakaw sa isang basahero, sinundan pa ito ng isa pa ring airport security na kinakitaan naman ng mga tsokolate. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News