dzme1530.ph

Budget ng CHED, dapat nakabatay sa datos at mga reporma

Loading

Iginiit ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na gawing mas data-driven at may pananagutan ang pagbubudget sa mas mataas na edukasyon.

Kasabay nito, nanawagan ang senador na dapat magpakita ng pangmatagalang reporma na magpapabuti sa access ng mga estudyante at performance ng mga unibersidad ang 2026 budget ng Commission on Higher Education (CHED).

Sa pagdinig ng Senado sa 2026 budget ng CHED, ilang senador ang nagpahayag ng pangamba sa ₱32.49-bilyong pondo ng ahensya para sa susunod na taon dahil sa patuloy na pagbaba ng alokasyon para sa student financial assistance programs tulad ng Tertiary Education Subsidy (TES) at Tulong Dunong Program (TDP).

Bagama’t dumarami ang bilang ng mga estudyante sa mga pampubliko at pribadong kolehiyo at unibersidad, patuloy pa rin aniya ang bawas sa pondo ng mga programang ito.

Ayon kay CHED Commissioner Shirley C. Agrupis, nakatuon ang 2026 plan ng ahensya sa mga state universities and colleges (SUCs), scholarship programs, at suporta sa research.

Gayunman, inamin niya na may mga hamon sa pagpapatuloy ng benepisyo ng mga iskolar sa ilalim ng Free Higher Education Law o RA 10931, lalo na sa mga nag-aaral sa mga pribadong paaralan.

Iginiit ni Cayetano na dapat nang ipatupad ang performance-based budgeting at palakasin ang accountability mechanisms ng CHED at mga attached institutions nito.

About The Author