Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang 16,000 bagong teaching positions sa public schools para sa School Year 2025-2026.
Ayon sa DBM, ito ang unang bugso ng 20,000 posisyon na target punan ngayong taon.
Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, na ang approval sa bagong teaching positions ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin ang education system ng bansa.
Ang inaprubahang mga bagong posisyon ay kinabibilangan ng 15,343 Teacher I na nasa Salary Grade 11; 157 Special Science Teachers na saklaw ng Salary Grade 13; at 500 Special Education (SPED) Teachers na nasa Salary Grade 14.
Manggagaling ang ₱4.194 billion na pondong kailangan sa bagong teaching positions sa built-in appropriations ng Department of Education sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act.