dzme1530.ph

Budget deficit bumaba sa ₱18.9 bilyon noong Hulyo

Loading

Lumiit ang budget deficit ng national government noong Hulyo, batay sa datos mula sa Bureau of the Treasury.

Bumagsak ng 34.42% ang budget gap o sa ₱18.9 bilyon mula sa ₱28.8 bilyon na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Mas mababa rin ito ng 92.17% mula sa ₱241.6 bilyong deficit na naitala noong Hunyo.

Ayon sa Treasury, ang pagbaba ng budget deficit ay bunsod ng matamlay na revenue collection at spending ng pamahalaan.

Noong Hulyo, tumaas lamang ng 3.26% o sa ₱472.3 bilyon ang revenues habang bahagyang umakyat ng 1.02% o sa ₱491.2 bilyon ang government spending.

About The Author