Inatasan ni BuCor Chief Director General Gregorio PIO Catapang Jr. ang kanyang head executive assistant na si CTCSupt. Maria Fe R. Marquez na makipag-ugnayan sa Principal ng Itaas Elementary School para sa schedule ng feeding program sa mga kabataang mag aaral sa Muntinlupa City.
Ayon kay Catapang sa inisyal datos mula kay principal, Ms. Rhodora Mandap mayroong higit sa 100 na mga mag-aaral sa IES na kulang sa timbang at malnourished.
Bukod sa feeding program, magiging bahagi rin ng programa ang pag-aaral ng bibliya na gagawin sa buong taon.
Para matiyak ang tagumpay ng programang ito, hihingi ang BuCor ng tulong sa mga boluntaryong doktor at dietitian para mamonitor ang kalusugan ng mga kabataang mag aaral.
Layon ng outreach program ng BuCor upang matulungan ang komunidad at protektahan ang mga kabataang kulang sa timbang
Gagamitin sa naturang programa ang nalikom na kalahating million mula sa 1st BuCor Cup Shoot for a Cause ng Bureau of Correction kamakailan.