dzme1530.ph

BuCor, humirit ng dagdag na P1.5-B pondo sa Kongreso

Naghain na ng karagdagang panukalang pondo sa House Committee on Justice, si Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang Jr.

Ayon kay Catapang, ito ay para sa seguridad at kaligtasan ng mga piitan sa ilalim ng ahensiya.

Batay sa inihaing proposal, ang nasabing halaga ay ipambibili ng mga: K9 na nagkakahalaga ng P10-M; advanced body-worn camera (BWC) system na P320.4-M; scanner machines na nagkakahalaga ng P812-M; karagdagang pondo para sa pagbili ng CCTV surveillance system na P154.6-M; at pagpapagawa ng Mess Hall para sa mga PDL na nagkakahalaga ng P169.1-M.

Ayon kay Catapang, naisumite na ang additional budget proposal kay Committee on Appropriations Technical Staff Chief, Ms. Jocelyn Lim. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author