dzme1530.ph

BSKE sa Oct., magkakaroon ng malaking impact sa halalan sa 2025

Naniniwala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang nakatakdang Brgy. at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre ay magkakaroon ng malaking impact sa 2025 Midterm Elections.

Sa oath taking sa Palasyo ng mga bagong miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas, inihayag ng Pangulo na ang mga nagnanais na kumandidato sa 2025 Elections ay mangangailangan ng suporta mula sa Brgy. Level.

Kaugnay dito, sinabi ni Marcos na ang Brgy. Elections ay magdadala ng malaking epekto sa magiging resulta ng halalan sa 2025.

Tiniyak naman ng chief executive na naghahanda na sila sa lahat ng paparating na aktibidad sa pulitika.

Sinabi pa ni Marcos na malaki ang maitutulong ng pagkakaroon ng matibay na partido, at ipagpapatuloy din nito ang pakikipag-usap sa iba pang partido para sa posibleng pagtutulungan.

Matatandaang matapos ipagpaliban ng ilang taon ay tuloy na tuloy na ang BSKE sa Oktubre a-30. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author