dzme1530.ph

BSKE 2026 voter registration, ipagpapatuloy ng Comelec sa Lunes

Loading

Ipagpapatuloy ng Commission on Elections (Comelec) ang voter registration para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Lunes, Oktubre 20.

Inihayag ng poll body na tatagal ang nationwide voter registration para sa BSKE hanggang Mayo 18, 2026.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na bukas ang registration para sa lahat ng klase ng pagpaparehistro gaya ng reactivation, transfer of registration, new registration, o pagbabago ng impormasyon sa registration.

Samantala, inihayag din ni Garcia na hindi muna nila bubuksan ang voter registration sa Bangsamoro region, at itutuloy na lamang ito pagkatapos ng parliamentary elections.

Noong Agosto, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act 12232 na nagpapaliban sa BSKE mula Disyembre 1, 2025 patungo sa unang Lunes ng Nobyembre 2026. Isasagawa na ito kada apat na taon.

About The Author