dzme1530.ph

Brunei, hinikayat ng Pangulo na mag-invest sa isinusulong na renewable energy sa Pilipinas

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Brunei na maglagak ng puhunan sa renewable energy sector ng Pilipinas.

Sa pakikipagpulong sa executives ng Brunei energy companies, inihayag ng pangulo na isinusulong na ngayon ng kanyang gobyerno ang pag-shift sa renewable energy mula sa fossil fuel.

Sinabi ni Marcos na isa sa mga nagiging hadlang sa investors ang mahal na kuryente at enerhiya sa bansa, at napag-iwanan na rin sa development ang transmission systems.

Bukod dito, isinasa-alang alang din umano ang geopolitical issues sa West Philippine Sea, kung saan may nakatagong malaking gas at oil deposits.

Kaugnay dito, kina-kailangan umano ang investments sa power system upang mapalakas ang produksyon.

Iginiit ng pangulo na napakahalaga ng sapat na suplay ng enerhiya sa pagsusulong ng industriyalisasyon at pagpapalago ng ekonomiya.

About The Author