dzme1530.ph

BRP Teresa Magbanua, sinalubong ng matataas na opisyal ng PCG sa Puerto Princesa, Palawan

Sinalubong ng senior officials ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Puerto Princesa sa Palawan ang pagdating ng BRP Teresa Magbanua mula sa limang buwang misyon nito sa Escoda Shoal sa West Philippine Sea.

Kabilang sa mga ito sina PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil Gavan; PCG Spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Jay Tarriela; at District Director Captain Dennis Labay.

Idineploy ang BRP Teresa Magbanua noong Abril sa Escoda Shoal, 140 kilometers mula sa Palawan at nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas, upang bantayan ang umano’y reclamation activities ng China.

Sinabi ni Galvan na nagkaroon ng structural damage ang kanilang barko nang sadyain itong banggain ng China Coast Guard vessels noong Aug. 31. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author