dzme1530.ph

BRP Sierra Madre, hindi aalisin sa Ayungin Shoal

Nagkakamali ang China kung inaakala nito na isang araw ay maglalaho na lamang sa karagatan ang BRP Sierra Madre.

Binigyang diin ni National Security Council (NSC) Assistant Director General Jonathan Malaya, na mina-mantina ng pamahalaan ang BRP Sierra Madre na sadyang sinadsad sa Ayungin Shoal.

Ito aniya ay para magsilbing military detachment at occupied feature ng Pilipinas sa teritoryong inaangkin ng China.

Samantala, iginiit din ni Malaya na hindi na dapat patulan pa ang claim ng Chinese Embassy na “New Model” o bagong kasunduan umano na pinasok ng AFP Western Command dahil patibong lamang aniya ito ng China.

About The Author