Idineploy ng Philippine Navy ang offshore patrol vessel na BRP Andres Bonifacio para makibahagi sa Multilateral Naval Exercise na “Komodo” na gaganapin sa Indonesia.
Sa statement, sinabi ng Philippine Navy na isasagawa ang “Komodo” simula sa June 4 hanggang 8, sa Makassar.
Pinangunahan ni Fleet Marine Ready Force (FMRF) Commander Brig. Gen. Edwin Amadar ang send-off rites nang umalis ang barko sa Naval Operating Base sa Subic.
Inihayag naman ni FMRF Public Affairs Office Chief Lt. Jonathan Carretas na layunin ng Multilateral Naval Exercise na palakasin ang multilateral engagement kasama ang international partners kasabay ng pagpapatibay ng ugnayan at kooperasyon sa pagitan ng mga lumalahok na navy.
Ang “Komodo” ay isang military exercise ng ginagawa ng Indonesian Navy taon-taon sa pagitan ng Indian Ocean at Pacific Ocean. —sa panulat ni Lea Soriano