dzme1530.ph

Brigada Eskwela kick off sa Bulacan, pinangunahan ni PBBM

Loading

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsisimula ng 2025 Brigada Eskwela na may temang “Brigada Eskwela: Sama-sama para sa Bayang Bumabasa”, sa Barihan Elementary School sa Malolos Bulacan.

Personal na inispeksyon ng Pangulo, kasama si Department of Education Sec. Sonny Angara, ang nagpapatuloy na pagsasaaayos ng mga bintana, upuan, ceilings, at pintuan ng bawat silid-aralan sa nasabing paaralan, upang maging handa sa pagsisimula ng klase sa susunod na linggo.

Tiningnan din ng Pangulo ang archival images ng paaralan, kung saan makikita ang mga pinag-daanan nito sa mga nakalipas na taon, gaya ng pinsalang naidulot ng mga bagyo sa paaralan na siyang nagpapakita ng pangangailangan nito na sumailalim sa facility rehabilitation.

Namahagi naman ang DepEd ng mga tablet, laptop, at 300 bags na puno ng school supplies sa Barihan Elementary School.

About The Author