dzme1530.ph

Bridal shower ni LJ Reyes, idinaos sa busy streets ng New York

Ibinahagi ni LJ Reyes ang ilang kaganapan sa bridal shower na inorganisa ng kanyang mga kaibigan sa Amerika.

Sa kanyang Instagram stories, ipinost ni LJ ang mga litrato mula sa naturang espesyal na okasyon kasama ang mga kaibigan sa busy streets ng New York.

Nauna nang naisapubliko ang pre-wedding photos ng aktres kasama ang kanyang soon-to-be husband na si Philip Evangelista.

Si LJ kasama ang kanyang dalawang anak na sina Aki at Summer, ay nagsimulang manirahan sa New York noong September 2021, kasunod ng break-up sa aktor na si Paolo Contis. –sa panulat ni Lea Soriano

About The Author