Tuloy ang botohan sa Bangued, Abra kahit nasunog ang Elementary School na itinalaga bilang polling place sa Halalan 2025.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, 70% ang napinsala ng sunog sa Dangdangla Elementary School, kahapon ng umaga.
Halos 1,000 botante ang nakatakdang bumoto sa naturang paaralan sa May 12.
Sinabi ni Garcia na hindi magpapasindak ang poll body kung sinadya man ang sunog.
Sa update mula sa Comelec, dalawang areas mula sa Dangdangla Elementary School ang hindi naapektuhan ng sunog, na maaaring gamitin bilang priority polling place at administrative o storage area.
Posible ring magtayo ng makeshift polling centers sa lugar bilang bahagi ng contingency plan ng poll body.