dzme1530.ph

Boracay, muling napabilang sa Top 10 Favorite Islands in the World 2023

Pasok pa rin ang Boracay sa Top 10 “Favorite Islands in the World 2023” list ng Travel + Leisure magazine.

Nakuha ng isla ang ika-10 pwesto sa iskor na 92.94%, kahanay ang great barrier reef islands ng Australia at Maldives.

Tinawag na ‘The island that never sleeps’ ang ‘tiny island’ ng Boracay dahil sa nakaka-enjoy na parties at nightlife na isa rin sa mga dinadayo ng mga turista sa isla.

Taong 2022 nang makapasok sa rank 9 ang Boracay sa nasabing listahan. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author