![]()
Pinili ng international magazine na Condé Nast Traveler ang Boracay Island bilang world’s best beach para sa sunbathing at surfing sa Readers’ Choice Awards 2025.
Ayon sa magazine, ang Boracay sa bayan ng Malay, Aklan ay may 2.5-mile stretch ng pino at maputing buhangin sa White Beach, na hindi lamang patok sa tanawin, kundi pati sa seaside social, dining, at nightlife scene.
Dagdag pa ng Condé Nast Traveler, matagal nang kilala ang Boracay bilang isang party destination dahil sa masiglang bar, lounge, at club culture sa beachfront.
Ang Boracay ang nag-iisang beach destination mula sa Pilipinas na nakapasok sa top 15 beaches na niraranggo ng luxury travel magazine.
Patuloy na kinikilala ang Boracay bilang world’s best beaches at hindi bababa sa pitong beses na itong napasama sa mga pandaigdigan o world ranking ngayong taon.
