dzme1530.ph

BOQ, naka-heightened alert na laban sa FLiRT COVID-19 variant

Naka-heightened alert na ang Bureau of Quarantine (BOQ) laban sa FLiRT COVID-19 variant na kasalukuyang kumakalat sa Singapore at iba pang bansa.

Sa Bureau Memorandum no. 2024 – 48, inatasan ng Department of Health ang lahat ng BOQ stations at iba pang kaukulang ahensya na magsagawa ng screening sa points of entry para sa mga bisitang manggagaling sa mga bansang may na-detect na kaso ng FLiRT variant.

Kabilang dito ang KP.1 at KP.2 variations.

Pina-alalahanan din ang lahat ng biyahero na kumpletong sagutan ang health questionnaire sa e-travel application.

Hinikayat naman ang publiko na sumunod sa basic health measures kabilang ang pag-iwas sa matataong lugar, habang ang mga may senyales o sintomas ng COVID-19 ay pinapayuhang sumailalim sa home isolation.

Samantala, sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing ay nilinaw ni DOH Assistant Sec. Albert Domingo na ang paghihigpit ng quarantine ay hindi dapat ika-alarma, kasabay ng pagsasabing mild lamang ang FLiRT variant at kakayanin ito ng health system ng bansa.

About The Author