dzme1530.ph

Bonoan, binalaan ang mga tiwaling district engineer sa anomalya sa flood-control projects

Loading

Binalaan ni Public Works Secretary Manuel Bonoan ang mga tiwaling district engineer na sangkot sa anomalya sa flood-control projects.

Kasunod ito ng pagdakip kay DPWH Batangas 1st District Engineer Abelardo Calalo dahil sa umano’y pagtatangkang suhulan ang isang mambabatas upang pigilan ang imbestigasyon.

Aminado si Bonoan na may mga district engineer pang under investigation at hindi niya dudahan na alisin ang sinumang mapatunayang sangkot sa katiwalian.

Gayunman, sinabi nitong masyado pang maaga para ilabas ang lahat ng dokumento.

About The Author