dzme1530.ph

Bong Go at Erwin Tulfo, nananatiling frontrunners sa senatorial survey, ayon sa SWS

Loading

Napanatili nina re-electionist Senator Bong Go at ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo ang kanilang rankings bilang frontrunners sa senate race, batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa March 15-20 survey na kinomisyon ng Stratbase, nag-tie sina Go at Tulfo sa 1st at 2nd place na kapwa nakakuha ng 42% ng intended votes.

3rd to 4th place sina Ben Tulfo at Tito Sotto na kapwa may 34%; 5th place si Lito Lapid na may 33%;

6th place si Bong Revilla; 7th to 8th place sina Pia Cayetano at Ping Lacson; 9th place si Bato dela Rosa; at 10th place si Willie Revillame.

Nasa pang-labing isa (11) hanggang pang-labintatlong (13) pwesto naman sina Abby Binay, Manny Pacquiao, at Camille Villar.

About The Author