dzme1530.ph

Bondi Beach shooting suspects, hindi sumailalim sa terrorist training sa Pilipinas

Loading

Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines na wala silang nakitang indikasyon na sumailalim sa anumang terrorist training sa Pilipinas ang dalawang suspek sa deadly shooting incident sa Bondi Beach sa Australia.

Ayon kay AFP spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla, base sa datos mula sa kanilang field units, walang naitalang presensya o aktibidad ng mga dayuhang grupong terorista sa mga lugar na pinuntahan ng mga suspek habang nasa bansa.

Dagdag pa ni Padilla, pumasok sa Pilipinas bilang mga turista ang mag-amang suspek at nanatili lamang sa bansa nang halos isang buwan.

Samantala, sinabi rin ni AFP Public Affairs Office Chief Colonel Xerxes Trinidad na hindi maaaring makuha sa loob lamang ng tatlumpung araw ang training para sa mga gawaing militar, lalo na sa marksmanship.

Matatandaang labinlimang katao ang nasawi sa pamamaril sa Bondi Beach noong Linggo.

About The Author