dzme1530.ph

“Bona” ni Lino Brocka, ipalalabas sa Cannes 2024

Nakatakdang ipalabas ang restored version ng hit 1980 movie na “Bona” ni Lino Brocka sa 2024 Cannes Classics Film Festival sa Setyembre.

Batay sa anunsyo ng Cannes, ang pelikula na pinagbidahan nina Nora Aunor at Phillip Salvador ay ipalalabas sa September 25 bilang isa sa mga movie na nasa ilalim ng Restored Prints Category ng Festival.

Ang pelikulang “Bona” ay isa lamang sa mga obra maestra ni Brocka, at hinirang bilang isa sa “The Best 100 Films in the World” ng Museum of Tolerance sa Los Angeles, U.S.A noong 1997 at na-screen sa iba’t ibang film festivals sa buong mundo, sa kabila ng mga natanggap na mixed reviews.

About The Author