dzme1530.ph

Boluntaryong drug testing ng mga pulis, indikasyon na posibleng mawaksi ang droga sa PNP 

Positibo ang naging pagtingin ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr., sa lahat ng mga tauhan ng pambansang pulisya na bolunyaryong sumailalim sa random drug testing. 

Ayon kay Acorda, patunay lamang ito na posibleng maging drugfree ang PNP na pangunahing hakbang para malinis ang imahe sa kanilang hanay. 

Sa pasimula ng taon hanggang sa kasalukuyan, mahigit 116,000 tauhan ng PNP ang sumailalim sa random drug testing at 25 ang nag-positibo. 

Sa 25 pulis na nagpositibo,  8 ang na-dismiss sa serbisyo, isa ang nag-resign, at sumasailalim naman sa summary hearing ang iba. 

Aniya, kumakatawan lamang ito sa .02% nang lahat ng tauhan mga ng PNP na malaki ang ibinaba sa mahigit 200 na nag-positibo noong 2016. 

Kasunod nito, tiniyak ni Acorda na magpapatuloy ang paglilinis sa kanilang hanay para masiguro ang integridad at pagiging propesyonal sa organisasyon. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News 

About The Author