Tiniyak ng Bureau of Customs (BOC) na mas paiigtingin pa nila ang proteksyon sa Intellectual Property Rights sa Pilipinas.
Ayon kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio, ang pagpapalakas ng Intellectual Property campaign ng ahensya ay magpapalakas rin sa business sector at makahihikayat pa ng fair competition.
Ito ay sa pamamagitan aniya ng pagpigil sa pagpasok ng counterfeit goods sa mga pantalan at paliparan sa bansa.
Matatandaang, kamakailan lang ay pinapurihan ng isang malaking sportswear company ang BOC dahil sa nasamsam nitong mahigit P1.56-B na halaga ng imitation products. —sa panulat ni Jam Tarrayo