dzme1530.ph

BOC, nakakolekta ng mahigit P77.7-B noong Mayo

Muling humataw ang koleksyon ng Bureau of Customs (BOC) sa nagdaang buwan ng Mayo.

Sa datos na ibinahagi ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio sa Kamara, nitong Mayo kabuhang P77.793-B ang nakolekta ng Aduana, mas mataas ng P5.443-B sa itinakdang target na P72.350-M.

Kung ikukumpara ito sa kaparehas na panahon noong May 2022, higit na malaki ang agwat ng koleksyon ng May 2023 dahil 17.36% itong mas mataas o katumas ng P11.505-B.

Iniugnay ni Rubio ang magandang koleksyon ng BOC sa inilatag nitong five-point priority program, pinaigting na kampanya laban sa smuggling at mahigpit na pagbabantay sa mga borders ng bansa.

Pinabantayan din nitong mabuti mga warehouses kung saan itinatago ang mga puslit na produkto, at pag-digitalize sa proseso upang maging mabilis ang transaksiyon.

Pinalakas din ni Rubio ang koordinasyon sa iba’t ibang ahensya na nag-iisyu ng permit para sa mga imported products, at pagsasailalim sa training ng mga BOC personnel.

Sa unang limang buwan ng 2023, nakakolekta ang BOC ng kabuhang P359.175-B, lagpas ng P13.232-B kumpara sa itinakda na P345.943-B. —sa ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author