dzme1530.ph

BOC, naka-kolekta ng ₱931-B kita noong 2024 —PBBM

Loading

Inanunsyo ni pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Na naka-kolekta ang Bureau of Customs ng 931.046 billion pesos na kita noong 2024.

Ito ay mas mataas ng 40 billion pesos mula sa 890.446 billion Pesos na koleksyon noong 2023.

Bukod dito, sinabi rin ng Pangulo na naka-kumpiska ang BOC ng 85.167 billion pesos na halaga ng smuggled goods noong nakaraang taon, na dumoble mula sa 43.295 billion pesos sa sinundan nitong taon.

Sa kanyang talumpati sa selebrasyon ng ika-isandaan at dalawampu’t tatlong anibersaryo ng BOC, pinuri ng Pangulo ang mga hakbang ng ahensya upang ma-protektahan ang borders ng bansa mula sa economic exploitation.

Sa pamamagitan umano ng tamang pag-kolekta ng taripa sa mga pantalan, mas napapabilis ang biyahe ng publiko, nagkakaroon ng sapat na kagamitan sa pag-aaral ng ating mga anak, at mas maraming kabataan ang mapagtatapos sa kolehiyo.

Nanawagan din ito sa mga opisyal at kawani ng BOC na unahin ang interes ng publiko, maging tapat sa trabaho, at itaguyod ang malasakit sa mga Pilipino.

About The Author