dzme1530.ph

BOC, naglunsad ng Online Tracking Portal para sa door-to-door delivery ng mga balikbayan boxes

Loading

Naglabas ang Bureau of Customs (BOC) ng Online Tracking Portal para sa door-to-door delivery ng mga Balikbayan Box ng mga OFW.

Maaaring tingnan sa OFW corner ng opisyal na website ng BOC ang listahan at status ng mga balikbayan box na ideni-deliver. 

Kailangan lamang i-scan ang QR code o bisitahin ang customs.gov.ph.

Makikita sa portal ang mga detalye kagaya ng bill of lading, container number, pinanggalingang bansa, at delivery status.

Paalala ng BOC, walang bayad ang paghahatid ng balikbayan boxes at regular na ina-update ang portal sa bawat rollout ng delivery.

About The Author