dzme1530.ph

BOC, NAGBABALA SA PAGGAMIT NG SINDIKATO SA OFWs SA DRUG SMUGGLING

Loading

Nagbabala ang Bureau of Customs sa umano’y pagdami ng kaso kung saan ginagamit ng mga sindikato ang mga Overseas Filipino Workers o OFWs sa pagpuslit ng ilegal na droga.

 

Batay sa impormasyong nakalap ng ahensya, nire-recruit umano ang ilang indibidwal sa pamamagitan ng alok na trabaho sa ibang bansa tulad ng pagiging domestic helper. Mayroon ding mga inaalok ng libreng “tour” o fully sponsored na biyahe upang makumbinsing bumiyahe.

 

Pinaniniwalaang inilalagay ang ilegal na droga sa kanilang mga bagahe nang hindi nila nalalaman.

 

Dahil dito, pinalalakas ng BOC ang border control measures upang mapigilan ang pagpasok ng kontrabando sa bansa, katuwang ang Department of Migrant Workers sa pagbibigay ng paalala at impormasyon sa mga OFW.

 

Binigyang-diin ni Commissioner Ariel Nepomuceno ang kahalagahan ng pagprotekta sa mga OFW laban sa pananamantala ng mga sindikato.

About The Author