Nagpulong ang Bureau of Customs (BOC) at Department of Justice (DOJ) upang talakayin ang mga hakbang na magpapalakas sa kampanya laban sa agricultural smuggling at magtatatag ng mas matibay na partnership ng dalawang ahensya.
Ayon kay Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, layunin ng pulong na tukuyin ang mga kaso ng agri-smuggling at papanagutin ang mga responsable.
Inamin ni Nepomuceno na naiinip na ang taumbayan at mga mambabatas hinggil sa estado ng mga kaso ng agri-smuggling. Nangako siya na aktibong rerebyuhin ng kanilang tanggapan ang mga nakabinbing kaso.
Matatandaang nilagdaan noong nakaraang taon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na nagtatakda sa smuggling, hoarding, at cartel operations na kinasasangkutan ng agricultural products bilang economic sabotage kapag ang halaga ng produkto ay lagpas sa ₱10-M.