![]()
Itinaas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council sa Blue Alert status ang kanilang operasyon, habang naka-alerto rin ang kanilang Operation Center para sa koordinasyon sa mga ahensya.
Ito’y bilang paghahanda sa posibleng epekto ng bagyong Wilma sa bansa.
Ayon sa inilabas na memo, epektibo ang pagtataas ng alert status simula noong December 3, 2025. Inaatasan ang lahat ng kaukulang ahensya, kabilang ang PNP, AFP, BFP, PCG, at technical staff ng DOST-PAGASA, na mag-report sa MDRRMOC at panatilihin ang Virtual Emergency Operation Center para sa tuloy-tuloy na koordinasyon.
Kabilang sa mga utos ang pagbantay sa kani-kanilang areas of responsibility, pagsasagawa ng regional Pre-Disaster Risk Assessment, pagsusumite ng listahan ng posibleng maaapektuhang lugar at prepositioned goods, at pagpapatupad ng mga kinakailangang preparedness measures.
