dzme1530.ph

BIYAHENG DAMAYAN, LIBRENG SAKAY, INILUNSAD NG KONGRESO

Loading

Inilunsad ng Kamara de Representantes ang “Biyaheng Damayan: Libreng Sakay Mula sa Kongreso.”

 

Ang proyekto ay joint effort nina House Speaker Faustino Bojie Dy III at House Majority Leader Sandro Marcos.

 

Sinimulan kanina ang “Biyaheng Damayan: Libreng Sakay Mula sa Kongreso” sa rutang San Jose del Monte, Bulacan hanggang Welcome Rotonda sa Quezon City, at pabalik sa Fairview Terraces.

 

Bahagi ito ng transport relief initiative nina Dy at Marcos para makaagapay sa mga kawani, estudyante at iba pang pasahero na apektado ng sobrang mahal na petrolyo.

 

Ayon kay Cong. Marcos, tungkulin nilang tiyakin na may tulong na naipagkakaloob sa mga Pilipino habang patuloy ang pagtaas ng langis at gastusin sanhi ng mga pangyayaring wala sa ating kontrol.

 

Tugma rin ang inisyatibang ito sa mga programa ni Pang. Bongbong Marcos Jr. na maigtingin ang economic strategy, at i-mobilize ang lahat ng gov’t agencies para pagaanin ang epekto ng external shocks sa domestic economy.

 

Alinsunod sa set-up, apat na HOR buses ang babyahe sa rutang ito ng Lunes, Huwebes at Biyernes tuwing umaga at hapon o peak hours.

Wala namang pagtutol ang LTFRB sa inisyatibang ito ng HOR.

About The Author