Pormal nang tinuldukan ang anim na taong pagtigil ng serbisyo ng PNR sa rutang 67 kilometrong haba ng mga riles ng tren.
Umarangkada na ngayong araw ang biyahe ng Philippine National Railways (PNR) mula Ligao Station sa lalawigan ng Albay na patungong Naga Station sa Camarines Sur.
Halos 100 pasahero din ang sumakay sa siyam na istasyon at flag stops ng Naga, Pili, Baao, Iriga, Bato, Matacon, Polangui, Oas, at Ligao.
Mula sa Albay at Camarines Sur, sinalubong ng pasasalamat ni PNR engineering department manager, Engr. Jaypee Relleve, ang mga pasaherong tumangkilik sa serbisyo ng PNR.
Aniya, araw-araw ang biyahe ng PNR pa-Ligao to Naga sa ganap na alas-5:30 ng umaga at hapon sa kaparehong oras.
Aabutin ng 2 oras at 11 minuto ang biyahe mula Ligao patungong Naga at pabalik, gamit ang isang Diesel Hydraulic Locomotive (DHL) na mayroong limang passenger coaches at kayang magsakay ng higit 1,300 na mga pasahero.
Hinikayat din ang mga taga-Camarines Sur at Albay na tangkilikin at suportahan ang serbisyo ng PNR, at wag kalimutang mag suot ng facemask sa oras ng biyahe. Ipinagbabawal din ang pagkain at pag-inom sa loob ng tren. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News