dzme1530.ph

Biyahe ng Pasig River ferry service sa 2 istasyon, suspendido

Pansamantalang sinuspinde ng MMDA ang biyahe ng Pasig River ferry service sa dalawang istasyon nito sa PUP at Maybunga Station dahil sa mababang level ng tubig.

Habang balik operasyon naman ang Lambingan at Sta. Ana Station matapos itong suspendihin kamakailan dahil sa kaparehong dahilan na pagdadaungan ng ferry boat.

Tuloy- tuloy naman ang libreng sakay sa 11 stations ng Pasig River Ferry Service para makapagbigay serbisyo sa mga pasahero.

Kabilang na dito ang pinagbuhatan, San Joacquin, Kalawaan, Guadalupe, Valenzuela, Hulo, Lambingan, Sta. Ana, Lawton, Quinta at Escolta.

About The Author