dzme1530.ph

Biyahe mula Cavitex hanggang Sucat, 5-10 minutes na lamang

Iikli na sa lima hanggang sampung minuto mula sa isang oras ang biyahe mula Cavitex hanggang sa Sucat, parañaque sa pagbubukas ng Cavitex C-5 Link Sucat Interchange.

Pinasinayan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang inagurasyon ng bagong kalsada ngayong araw, Hunyo 21.

Inihayag ng Pangulo na sa pagbubukas ng Cavitex C-5 Link Sucat Interchange, inaasahan ang dalawampu’t tatlong libong sasakyan ang makikinabang dito kada araw.

Magiging libre sa loob ng isang buwan ang Toll Fee sa Cavitex C5 Link Sucat Interchange.

Samantala, sinabi rin ni marcos na iikli sa sampung minuto mula sa apatnapung minuto ang biyahe mula Cavitex R-1 Expressway Section hanggang SLEX-C5 road, sa itatayong Cavitex C5 Link Expressway Segment 3B.

Malaki rin ang maitutulong ng itatayong Cavitex-Calax Link mula Kawit ,Cavite hanggang Calax, at inaasahang maiibsan nito ang matinding traffic congestion sa Tirona Highway at Centennial Road.

About The Author