dzme1530.ph

Bisita na nagtangkang magpuslit ng tabako sa loob ng NBP, naharang ng mga tauhan ng BuCor

Napigilan ng mga tauhan ng Bureau of Correction (BuCor) ang isang bisita matapos itong mahuli na nagtangkang magpuslit ng mga produktong tabako sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Sa report na natanggap ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang, Jr. mula kay J/SINSP Angelina L. Bautista, OIC- Deputy Director for Operations.

Nahuli ang bisitang si Leilani Tividad sa isinagawang search inspection sa frisking area bago pumasok sa  NBP maximum security compound.

Nakumpiska sa kanya ang 32 bars ng mga produktong tabako na inilagay sa loob ng kanyang itim na knee pad.

Dahil dito inirekomenda ng official na pagbawalan na si Tividad na makapasok muli sa NBP.

Sinabi ni Bautista na ito ang resulta ng pinaigting na kampanya para alisin sa NBP ang mga kontrabando na dinadala ng mga bisita at maging ng sariling mga tauhan ng BuCor. —sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author