Nalagpasan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang kanilang collection target sa unang dalawang buwan ng 2024.
Inihayag ng main revenue collecting agency ng bansa, na umabot sa ₱446.423-B ang kanilang koleksyon simula Enero hanggang Pebrero, na may dagdag na 24.32% o ₱87.335-B kumpara sa kanilang nakolekta sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon sa BIR, mas mataas din ang kanilang nakolekta ng mahigit 24% kumpara sa target na ₱445.535-B para sa unang dalawang buwan ng taon.
Para naman sa buong 2024, ₱3.055-T ang target collection ng ahensya, na mas mataas ng 21.38% o ₱538.182-B kumpara sa kanilang actual collections noong 2023 na ₱2.53-T.