Tiwala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na maabot pa rin nila ang collection target ngayong taon.
Sa kabila ito ng inaasahang global economic slowdown bunsod ng tinatawag na trade war dulot ng reciprocal tariff policy ni US president Donald Trump.
Ngayong 2025, target ng BIR na makakolekta ng record-high na ₱3.23-T na revenues, mula sa actual collection na ₱2.848-T noong 2024.
Kumpiyansa si BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na maabot nila ang kanilang goal, sa pamamagitan ng mga hakbang laban sa mga pekeng resibo at illicit trades, gaya sa sigarilyo at vape products.