Red flag sa mga kongresista ang pag-amin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na umaasa lang sila sa voluntary tax declarations ng mga vlogger at influencer.
Sa 2nd hearing ng House Tri-Comm sa paglaganap ng fake news sa social media platform, pinunto ni Rep. France Castro na hindi naipatutupad ng BIR ang batas sa pagbubuwis.
Partikular na tinarget ng kongresista ang umano’y “bayarang content creators” na kumikita ng malaki subalit hindi nagbabayad ng buwis.
Nilinaw ni Atty. Yves Gonzales ng YouTube, na sa kanilang platform hindi mino-monitor kung nagbabayad ng buwis ang mga content creators, Pilipino man o dayuhan dahil BIR ang may mandato nito.
Para kay Castro hindi nagagampanan ng BIR ang kanilang trabaho lalo pa at nandiyan naman ang Google Philippines at YouTube para hingin ang listahan ng vloggers at influencers na nag-gegenarate ng malalaking kita.