dzme1530.ph

Binuksang bahagi ng Bulacan Arterial Bypass Road, makapagpapalakas sa sektor ng agrikultura ng Bulacan

Nakikita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paglakas ng sektor ng agrikultura ng bulacan dahil sa binuksang Phase III ng Bulacan Arterial Bypass Road.

Sa kanyang talumpati sa inauguration ceremony na binasa ni Special Assistant to the President Sec. Antonio Lagdameo Jr., inihayag ni Marcos na makatutulong ang bagong kalsada hindi lamang sa galaw ng mga tao kundi pati sa paghahatid ng mga produktong pang-agrikultura at serbisyo.

Ito ay inaasahang makapagpapalakas sa productivity ng farming industry ng Bulacan.

Bukod dito, nakikitang magiging daan din ito sa paghikayat ng mas maraming investments na magre-resulta sa paglikha ng maraming trabaho.

Tiniyak naman ni Marcos na nananatiling committed ang administrasyon sa pagtugon sa mga hamong kinahaharap ng proyekto kabilang na ang right of way. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

 

About The Author