Bigo ang National Food Authority (NFA) na maabot ang kanilang procurement target sa palay para sa buwan ng Pebrero.
Sa February 2024 accomplishment report, sinabi ng NFA na umabot lamang sa 12,378 bags ng palay ang kanilang nabili, o katumbas ng 618.9 metric tons.
Kapos ito ng 2.28% sa target ng ahensya na 542,800 bags o 27,140 metric tons ng palay para sa naturang buwan.
Nakasaad sa report na ang pagbaba ng procurement ay bunsod ng mas kaunting naaning palay, dahil hindi harvest season ang buwan ng Pebrero, kaya ang kanilang mga nabili ay tira lamang sa nakaraang cropping season.